Nakakatulong nga ba ang may kausap ka kapag may problema ka? O mas magandang sarilihin mo nalang. Sa dami at ibat ibang pananaw ng makakausap mo, pwedeng lalo kang magulo lalo puwedeng lalo kang magka-problema. Mahirap piliin ang magagandang salita o payo sa mga nakakausap mo, lalo na kung mahina ka at tuliro dahil sa problema. Kaya lalong tumatagal, lalo kong naiisip na mas magandang mag-isip ka nalang mag-isa at magnilaynilay sa buhay na pinagdadaanan mo. Para maisip mong hindi naman pala ganun kasama ang situation ko.
Wala nang kailangan pang sabihin kung masaya at maayos ang buhay mo. Pero kung nagkakaproblema na maiisip mong sana hindi ko nalang nadamay ang kasama ko ngayon. Na sana hindi sya nagkakaganon ngayon. Kailangan mo bang sabihin yun? Kailangan mo bang maramdaman yun? Utang mo nga ba talaga ang ikakaayos ng buhay nya? Utang mo ba na ilagay sya sa ayos kahit hindi mo naman nakikitang kumikilos sya para sa sarili nya? Lagi ka bang dapat malakas para may maibigay ka sa kanya kapag nanghihina na sya? Paano naman kung ikaw ang nangangailangan? O ikaw naman ang mahina? Ipapakita mo ba sa kanya yun? May maibibigay ba syang lakas para sa iyo? O isa na namang problema ang daratiing?
Sabi nila, nagbabago ang tao kapag tumatagal. Merong para sa iba, meron para sa sarili. Sabi nila, tanggapin mo daw ang isang tao kung ano talaga sila. Kung talagang mahal mo daw ang isang tao. Matatanggap mo yun. Pero bakit merong naghihiwalay dahill sa nakita na ang kahinaan? O di kaya naghiwalay dahil Hindi na raw talaga magbabago. Sino ba talaga ang may kahinaan? Yung may problema sa pagkatao? O yung taong pilit iniisip na mapagbabago nya ang ibang tao dahil sa pagmamahal.
Kailangan ko bang pasalamatan ang mga pagtanggap o pagkilos mo para lang pakisamahan ako? Utang ko ba sa iyo ang mga panahong naging maayos tayo? Utang ko ba sa iyo ang pagmamahal mo? Paano naman ang mga araw na ikaw ang tumanggap ng pang-uunawa ko?
Dahil ba umiiyak ka kaya ikaw na ang mas higit na nasaktan? Dahil ba ikaw ang unang nagsalita kaya ikaw na agad ang umayos ng lahat? Dahil ba mas pinili kong tumahimik kaya iisipin mo nalang wala akong ginagawa?
Magulo na ang utak ko naguguluhan na ako sa mga naiisip ko. Sino ba ako para magsabi o magtanong ng ganito? Paano mo ng ba malalaman kung nahanap mo na ang taong makakasama mo habang buhay? Kailangan ba mo ba talaga ng makakasama sa buhay?









--
hams Mom, who would wear a yam?!?!?
that's right pineapple, you too sweet to spell!
--
| amor con amor se paga? |
--
Stupid questions are a KILLABLE OFFENSE.
"a cup of coffee and my chaser is beer."
-wulfbane
--
-Spooky
"When the winds of change blow hard enough, the most trivial things can be turned into deadly projectiles."
------------
Love me, love my muse *DJ-Jynx
My Gallery: *Spookeriffic
Member: ~poseraddicts ~ ctdasociety
Previous PageNext Page